I personally love this song (composed by one of our church mates). It talks of everyday struggles and surviving life’s demands only to find rest in a faith that there’s a God and that hope of seeing His paradise.
PAG-ASA
Marahil nga’y kay sarap maidlip at di na magising
Lalo’t sanglaksa ang hirap at sakit sa dibdib
Marahil nga’y kay sarap panawan ng bait kahit na sandali
Namamanhid ang puso sa hapdi at kirot
Dulot ng sari-saring isipin
Ang luha ay di na mapatid
At ang bukas ay tila isa na namang
Nakahahapo at mabigat na pasanin
Ngunit may sumpang binitiwan
Na di ko kailanman ninasang talikuran
Batid ko ang magbata ang magtiis ay di maiiwasan
Upang ang pangako mo’y aking makamtan
Kaya’t sa tuwing tila
umaandap na ang pag-asa
Sa malawak mong langit
yaring ulo’y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
Habang sa tuwina’y nanganganlong
At may pagtitiwala sa Iyo…
Marahil nga’y ang lahat
ng ito’y aking babaunin
Nang marating ang langit mong tahanan
Na paraisong pinapangarap
Pagkat nais kang masilayan
Makapiling ka sa ligayang wagas
At ang hapis ay isa na lang nakalipas
Bawat pagluha ay aariing yaman
Bawat pait saklap ay aariing tamis
Bawat alimura’y aariing puri
Bawat dusa’y yayakapin
At ipagpapasalamat
Kaya’t sa tuwing tila
umaandap na ang pag-asa
Sa malawak mong langit
yaring ulo’y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap ka Ama
Habang sa tuwina’y nanganganlong
At may pagtitiwala sa Iyo…


Posted by aziralc on November 14, 2008 at 3:27 am
…hmmm…ganyan talaga ang buhay kristiano maraming mga pagsubok sa buhay…very nice ang song “PAG-ASA”…
Posted by caca on December 2, 2008 at 2:10 am
nice ang picture. bonggang bonggang shot!