Nakaupo sa isang tabi
nakamasid sa malayo waring may larawang hinahabi
isip ay tangay
sa mga ala-alang
pilit inihihiwalay
ngunit kusang bumabalik
sa bawat paghibik
sa isipang pagod
pagod sa paglimot
pagod sa kalumbayang dulot
Sana’y di na lang …
inasam na malaman
na nagyon sa puso ay siya pa ring laman
napagtanto kasing minsan
ang ligaya na ikaw ay masilayan
sa mga ngiting , ako’y dating dahil
nakakatuwa lang isipin na marahil
minsan kasing nakalasap
ang pusong ngayo’y siya pa ring hanap
ngunit ngayon lahat ay ala-ala na lamang
na waring nalliligaw sa parang
may lugar nga ba kung san di masakit ?
sa mga ala-alang nililimot nang pilit ?
gayon pa man
kahit ngayo’y nahihirapan
tanging salamat ang maisambitla
nitong mga labi, puso’y naunawa

Posted by caca on October 20, 2008 at 5:46 am
hmmmm…. hmmm… hmm.. ____________
Question: what is next in the above series? hihihi
Posted by bong on October 21, 2008 at 4:05 am
hmmmmm….. mayo unta kung series ni atung talent… pabugso bugso lang po itich
Posted by jodp on October 22, 2008 at 4:21 am
morantic man si ate hehe